8 gawain ng mga BROKE pinoy college students

11:08 PM

Rich kid or mahirap ka man, College or University student, lahat tayo dumadating sa point na nagiging broke kahit isang beses sa isang linggo. #MedyoBroke #BuhayKolehiyo


Yung oorder kayo ng mumurahin na drink, tapos may dala kayong laptop. Eto pa, naki-charge at naki-connect pa sa wifi tapos 3 kayo ng groupmates mo pero ang bill niyo pang isang tao lang. Lugi na yung coffee shop oy!!!



Barkada 1: Manong magkano po hanggang Cafe La Tea?
Manong Driver: 50 nalang kayong lahat.
Barkada 2: Manong ang mahal naman 30 nalang tig 10 kami,
Manong Driver: gawin niyo nalang 40
Barkada 3: ay di na ang mahal. dun nalang tayo sumakay
*walk out kunyare
Manong Tricycle driver: Osige na nga kuya 30 nalang.




Yung kailangan bumili ng book sa law na worth P600 sa national bookstore.
Teka di naman to major subject, maghihintay nalang ng may bumili tapos papa-photocopy.
Plagiarism yan oy!
Di naman daw malalaman ni author. (Husay!)






yung pag monday lunch sa Restaurant, gasta dito gasta dun! pag dating ng friday CHICKEN FILLET NALANG o KFC FLAVOR SHOTS tayo mga brader!


Me every friday


Sa national bookstore P600 yung book, sa recto P150 lang. Susuyurin ang kahabaan ng recto makahanap lang ng murang libro. Yung iba mag cocontri pa pamasahe, para papuntahin si classmate na magisa ng recto, tapos papabili yung 30 copies ng libro para sa buong block niyo. Aysus!


Ang isabaw ang GRAVY ng MCDO at KFC.
Order kayo ng CHICKEN FILLET o kaya FLAVOR SHOTS tapos gagawin niyong sabaw yung gravy. Yung totoo? Flavor shot pa ba yan o Kare kare??? Umaapaw ang sauce! Sauce Maryosep!



 


yung ayaw gumasta ng piso para sa one page na handout ng professor. Picture picture nalang. Pati yung lecture sa board picture nalang din para walang sulat ang notebook. Tapos matatapos ang isang sem 3 page lang may sulat sa notebook mo.



Teacher: Ok class get 1 whole sheet of paper, may quiz tayo today
Classmate 1: oy best friend pengeng papel. 
Classmate 2: ok eto, pakopya ko ha
Classmate 1: oo sige
After 30 seconds
Classmate 1: oy friend wala pala kong ballpen, pahiram naman yung G tech. 
WHAAAAAT????

Eto malupet! Yung classmate mong nagloload ng more than P100 a week pero di makabili ng P20 na Yellow paper at P5 na ballpen? 
Ate i-text mo nalang kay mam yung sagot yung sagot lagi ka namang unli. 

Kapag sinabi ni Ma'am na "Get one whole sheet of paper"

Ikaw anong gawain mo nung BROKE ka during college?


photo credit to the owners.

You Might Also Like

3 comments

  1. This post is so witty. Relate na relate sa ibang gawain Haha

    Just Because l youlivealife.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. I know right. HAHAHA

      Nice blog BTW. Thanks for stopping by. :)

      Delete
  2. Hey keep posting such good and meaningful articles.

    ReplyDelete